^

Metro

Hostage-taker utas

-
Umabot ng 24-oras bago nagtapos kahapon ng tanghali ang hostage-taking na naganap sa Hall of Justice ng Taguig Regional Trial Court na rito nabaril at napatay ng mga awtoridad ang nang-hostage na character actor.

Natadtad ng bala ng baril sa katawan ang suspect na si Almario Villegas, habang nailigtas naman ang apat na biktimang bini hag nito ng may isang araw.

Ayon kay Southern Police District director Roberto Rosales na frontal ang nangyaring pagkamatay ni Almario.

"Una tumingin siya sa bintana, wala siyang nakitang SWAT, bumaba siya na naka-bonnet at kumaripas ng takbo pababa ng hagdanan at nagtangkang pumunta sa sasakyan," ayon pa kay Rosales.

Pagbaba nito ng hagdan ay nakasalubong ang isang pulis na paakyat at nabaril siya ng pulis. Hawak pa rin noon ni Almario ang granada na bumagsak at nasabugan pa ang kamay nito.

Nailigtas naman ang mga hinostage nitong sina Atty. Donna Dunuan; Atty. Frederick Ballesteros at court stenographer Liwanag Saloma. Habang ang live-in partner ni Almario na si Bella dela Cruz ay pinag-aaralan kung ano ang kasong isasampa rito.

"Lahat ginawa namin, lahat kinausap na natin para lamang mapasuko ito ng mapayapa, pinag-usapan namin na walang SWAT at pagposisyon sa sasakyan," dagdag pa ni Rosales.

Binanggit pa nito na may plano pa nga sila ni Mayor Tinga na i-produce na ang P1.3 milyong hinihingi nito para maibayad na sa isinanlang bahay at lupa nang sa gayon ay matapos na ang away ng bawat partido.

"Pero siya ang nag-attempt kaya ganyan ang nangyari," dagdag pa ng SPD director.

Sinabi pa ni Rosales na lahat naman anya ay naka- tape, may kasulatan kaugnay ng insidente. Anya napakaganda ng nagawa ng mga negotiating team, ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Tinga at ng kapulisan.

Isang araw ang itinagal ng hostage kung saan naapektuhan ang operasyon sa Taguig Court at sinuspinde rin ang klase sa Upper Bicutan Elementary School na malapit sa lugar na pinangyarihan ng hostage.

Nag-ugat ang hostage-drama dahil lamang sa sigalot sa lupa. (Angie Dela Cruz)

ALMARIO

ALMARIO VILLEGAS

ANGIE DELA CRUZ

DONNA DUNUAN

FREDERICK BALLESTEROS

HALL OF JUSTICE

LIWANAG SALOMA

MAYOR TINGA

ROBERTO ROSALES

SOUTHERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with