Navotas, City na!
March 14, 2007 | 12:00am
Tuluyan nang magiging siyudad ang bayan ng Navotas matapos na maaprubahan na maging batas ang House Bill 5500 sa Kongreso.
Ayon sa may-akda na si Navotas Cong. Ricky Sandoval, sa ilalim ng batas, ang isang panukalang ipinadala sa Malacañang para sa pirma ni Pangulong Arroyo ay magiging batas pagkatapos ng 30-araw kahit pa ang Presidente ay hindi pa kumikilos para rito.
Noong Agosto 7, 2006 ay inaprubahan ng Kongreso ang HB 5500 sa ikatlong pagbasa. Ipinasa sa Senado noong Oktubre 12 at ipinadala sa Malacañang para sa desisyon ng Pangulo nitong Peb. 7, 2007.
Subalit pumalya ang Pangulo na magdesisyon dito kaya naging batas na ito noong Marso 8 pagkatapos ng 30-araw na palugit. Dahil sa development, nabasura ang akusasyon ni Mayor Toby Tiangco kay Sandoval na sadya niyang pinatagal ang Navotas cityhood bill para sa kanyang pansariling interest.
Sinabi ni Sandoval na ang pakikipagtalo kay Tiangco sa kung ano ang naging dahilan ng mabagal na pagpasa ng Navotas ay balewala na dahil nagawa na niya ang papel para maisulong ito. Si Sandoval ay tatakbong mayor ng Navotas. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest