Ex-gov Leviste balik-kalaboso
March 11, 2007 | 12:00am
Naibalik na rin kahapon si dating Batangas Governor Antonio Leviste sa Makati City jail mula sa may ilang araw ding pamamalagi sa Makati Medical Center.
Ito ay makaraang mag-isyu na rin sa wakas ng discharge order para maibalik sa kulungan si Leviste ang mga doktor nitong sina Dr, Reynato Kasilag at Dr. Ramon Luis Liboro matapos naman na irekomenda ng Department of Justice (DOJ) na i-contempt ang mga ito kamakalawa.
Kinumpirma naman ng pamunuan ng Makati City jail sa pamamagitan ni Supt. Vic Orero na ganap ala 1:30 ng hapon kahapon ay naibalik na nga dito si Leviste at ito ay agad dinala sa infirmary para tingnan ang kalusugan nito ng mga doctor ng naturang kulungan.
"Inoobserbahan ng aming mga doktor ang blood pressure at physical condition ni Governor Leviste at ang latest ay 130 over 90 ..hindi na siya maputla gaya ng dati at kapag naging stable na siya ay saka namin siya ililipat sa kanyang selda" pahayag ni Orero.
Magugunitang si Leviste na may kasong murder dahil sa pagpatay sa kaibigang business partner na si Rafael dela Alas ay unang humiling ng "hospital arrest" dahil sa kalagayan ng kanyang kalusugan. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended