Ayon kay MPD Director Chief Supt. Danilo Abarzosa isinagawa ng kanyang mga tauhan ang raid dakong alas- 10:30 ng gabi sa Little Vietnam sa panulukan ng Arlegui St. at Gunao St. matapos na makatanggap ng impormasyon na sa lugar nagkukuta ang mga pinaniniwalaang drug pusher at drug user, at mga wanted na kriminal. Sinabi pa nito, na nais lamang nilang malinis ang lugar dahil sa talamak dito ang holdapan, at bentahan ng shabu.
Nasamsam ng mga pulis ang 11 sachet ng shabu, shabu paraphernalia, isang shotgun, isang caliber 38, at mga patalim.
Samantala, tatlong lalaki din na kinabibilangan ng isang menor de edad ang nakuhanan ng baril matapos na arestuhin ng mga tauhan ng MPD-Station 6 kahapon ng madaling-araw sa Maynila.
Nakakulong ngayon ang mga inaresto na sina Rafael Arozado, 22, ng 2377 Pasig Line St., Sta Ana ; Alfil Alanes, 18, ng 2351 Tejeron St., Sta Ana at ang menor de edad na si Reniel Fadriguela, 14, ng 2351 G. Tejeron St., Sta Ana ay inilipat sa kustodya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). (Doris Franche)