^

Metro

Ginaya si idol, nabagok, tigok

-
Hindi sukat akalain ng isang 18-anyos na binatilyo na ang ginawa niyang paggaya sa iniidolong National Basketball Association (NBA) superstar na si Lebron James ng Cleveland Cavaliers ay maging dahilan ng kanyang agarang kamatayan matapos na mabagok ang ulo nito sa simento matapos na mag-dunk kahapon ng madaling araw sa lungsod ng Caloocan.

Patay na nang idating sa San Lazaro Hospital ang biktimang si Weldall Guinocay, ng Block 21 Lot 9 Celina Homes, Deparo, Brgy. 168 ng nabanggit na siyudad.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw sa isang basketball court malapit sa bahay ng biktima.

Ayon sa mga kaibigan nito na sina Reno Ramparia at Paul Barrameda galing sila sa isang inuman sa bahay ng isa nilang kaibigan at pansamantala muna silang umistambay sa naturang court para mahimasmasan ang kanilang kalasingan.

Nagyabang umano ang biktima at hinamon nito ang mga kaibigan na gayahin nila ang kani-kanilang iniidolong basketball player.

Dahil idolo ng biktima si NBA superstar James ginaya niya ang mga ginagawa nitong pagda-dunk subalit minalas na natumba hanggang sa mabagok ang ulo sa simento na naging dahilan ng kanyang kamatayan. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

CELINA HOMES

CLEVELAND CAVALIERS

LEBRON JAMES

LORDETH BONILLA

NATIONAL BASKETBALL ASSOCIATION

PAUL BARRAMEDA

RENO RAMPARIA

SAN LAZARO HOSPITAL

WELDALL GUINOCAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with