Holdaper dedo sa pasaherong pulis
March 11, 2007 | 12:00am
Patay ang isang holdaper makaraang mabaril ng isang pulis, habang kapwa bugbog sarado ang dalawa pang kasamahan nito maakaraang kuyugin ng mga pasahero sa bigong jeepney hold-up, kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Marikina.
Kinilala ang nasawing suspect sa alyas na Lordan, habang ang dalawang kasamahan nito ay sina Andy Treste, 24; at Dennis Morcoso, 21, kapwa residente ng Brgy. Cupang, Antipolo City.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi sa kahabaan ng E. Rodriguez Avenue, Brgy. Sto. Niño ng nabangit na lungsod.
Sakay diumano ng pampasaherong jeep na biyaheng Cubao-Marikina ang mga suspect nang magdeklara ng holdap.
Lingid sa kanilang kaalaman ay sakay sa nasabing sasakyan ang pulis na si PO1 Rico Sampaga na kaagad nakabunot ng baril at binaril si Lordan sa dibdib.
Dito na nagkalakas loob ang ibang pasahero at kinuyog na ang dalawa pang kasamahan nito bago dinala sa presinto.
Narekober sa pag-iingat ng mga suspect ang sumpak at patalim na gamit nila sa panghoholdap. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest