Ito ay makaraang ihayag kamakalawa ng suspindidong Pasay City Vice Mayor Tony Calixto na muli siyang babalik sa city hall para makapag-opisina sa kanyang tanggapan.
Kaugnay nito, nanawagan na sa pamahalaan ang mga residente ng Pasay na ayusin na ang political crisis sa kanilang lunsod upang hindi ito makaapekto sa kanilang negosyo at paglalakad ng mga papeles sa city hall.
Kahapon ay partikular na ipinasara ang kahabaan ng F.B. Harrison upang hindi na makapasok dito ang mga supporters ni Calixto at magsagawa na naman ng kaguluhan.
Sa kanyang panig, sinabi naman ni Pasay City Mayor Allan Panaligan na takda niyang sampahan ng kaso si Calixto dahil sa ginawang pagpupumilit na mapasok kamakalawa sa Pasay City hall.
Kasong sedition anya ang possible niyang ikaso kay Calixto.
Magugunitang noong Huwebes ay nakapuslit at pumasok sa tanggapan ng Vice Mayor office si Calixto dahilan sa anya’y may TRO naman siyang nakuha sa Court of Appeals na nagbabasura anya na maipatupad ang suspension order laban sa kanya ng Ombudsman. (Angie dela Cruz)