Sa 3-pahinang mosyon ni State Prosecutor Emmanuel Velasco sa Makati-RTC branch 150, hiniling nitong i-contempt sina Leviste pati ang 2 doktor nito na sina Reynato Kasilag at Ramon Luis Liboro dahil sa pagtangging magbigay ang mga ito ng discharge order para maibalik sa selda sa Makati City Jail ang dating gobernador na kinasuhan ng murder dahil sa pagpatay nito sa kanyang matalik na kaibigang si Rafael Delas Alas.
Iniutos ng korte nitong Marso 6 na dapat ibalik sa selda si Leviste subalit hindi ito sinunod ng kan yang mga doctor at nakipagsabwatan ang mga ito sa dating gobernador para manatili sa ospital at makaiwas makulong.
Iginiit din ni Prosecutor Velasco sa korte na dapat agarang ikulong sa kanyang selda si Leviste.
Ipinaliwanag pa ng State prosecutor, malinaw na kahit inako ng akusado ang pagpatay sa kanyang matalik na kaibigan ay ayaw nitong makulong at nais ay bigyan siya ng VIP treatment.
Inakala din ng korte na naibalik na sa selda si Leviste noong Huwebes dahil na rin sa impormas yon ipinabatid ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) subalit hindi naman ito naibalik sa kulungan dahil sa pagtanggi ng mga doktor nito na mag-isyu ng discharge order sa kanilang pasyente.
Magugunita na hiniling din ng DOJ sa Court of Appeals na ibasura ang petisyon ni Leviste na kumukuwestyon sa upgrading ng kaso nito mula homicide ay naging murder. (Rudy Andal At Angie Dela Cruz)