Salvage victim, itinapon sa QC
March 9, 2007 | 12:00am
Isa na namang bangkay ng lalaki na nakasilid sa itim na garbage bag at pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuan kahapon ng madaling araw sa Cubao, Quezon City.
Patuloy na kinikilala ng pulisya ang biktima na may taas na 5’2 talampakan, payat, maitim at nakasuot ng asul na t-shirt at maong na pantalon. Nabatid din na nakatali ang mga kamay nito sa likuran at mistulang nakaluhod nang paslangin.
Ayon sa report, nadiskubre ang bangkay dakong alas-4:30 ng madaling araw sa panulukan ng P. Tuazon Avenue at 18th Avenue, Murphy, Cubao na katabi lamang ng Juan Sumulong High School.
Isang tricycle driver ang unang nag-ulat sa pulisya tungkol sa bangkay ng biktima. Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ng SOCO nagtamo ang biktima ng tama ng bala ng kalibre .45 at saksak ng icepick sa katawan.
Malaki ang paniwala ng pulisya na sa ibang lugar pinaslang ang biktima at itinapon na lamang ito sa nabanggit na lugar. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest