Lalaki agaw-eksena, billboard inakyat
March 8, 2007 | 12:00am
Isa na namang lalaki na problemado sa buhay ang lumikha kahapon ng kaguluhan matapos na akyatin ang higanteng billboard ng isang television network upang ipanawagan ang pagpapalaya sa kanyang anak na inakusahang miyembro ng Abu Sayyaf kahapon ng madaling araw sa EDSA, Quezon City. Nailigtas naman sa kapahamakan matapos na mapakiusapan na bumaba ang lalaki na nakilalang si Henry Almoite, 52, isang physical therapist, tubong La Union at residente ng Valenzuela City.
Ayon sa report, nag-umpisang umakyat si Almoite dakong alas-3 ng madaling-araw sa tinatayang 50 talampakang taas na billboard ng GMA network. Nadiskubre lamang ito dakong alas-6:30 ng umaga nang magliwanag na. Mabilis namang nagresponde ang mga awtoridad at nagsagawa ng negosasyon kay Almoite na bumaba na sa billboard. Ilang sandali pa ay napahinuhod na rin ito na bumaba. Sa panayam kay Almoite nagawa niyang umakyat sa billboard upang iparating sa pamahalaan ang kanyang hinaing matapos na arestuhin ng mga tauhan ng CIDG ang kanyang anak na si Allan noong Marso 10, 2006 matapos na paghinalaan na may dalang bomba at miyembro ng ASG. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended