^

Metro

Coup plotter kumambiyo, pagkasangkot sa kudeta inamin

-
Kung dati ay tumatanggi sa kaso, ngayon kumambiyo at nag- iba ang desisyon ng isa sa mga umano’y coup plotter na nakasuhan ng kudeta at nagsabing guilty siya at umaming kasama siya sa nagdaang Oakwood mutiny.

Si Army 1st Lieutenant Lawrence San Juan ay nakatakdang magharap ng pormal na pagbabasura sa kanyang not guilty plea at ngayon ay handang magharap ng guilty plea.

Sa naturang desisyon ni San Juan ay inimpormahan nito ang sala ni Makati Regional Trial Court Branch 148 Judge Oscar Pimentel na siyang may hawak ng kaso kaugnay ng hangarin na magpasok ng plea bargaining agreement sa pamamagitan ng abogadong si Atty. Paulo Primavera.

Sinasabing ang hakbang ni San Juan na mag- plead guilty ay upang mapababa ang parusang igagawad sa kanya ng korte kaugnay ng kasong kudeta.

Aabutin lamang ng 6 hanggang 12 taon ang gawad na kaparusahan kung aaminin nito ang kaso. Kung not guilty, si San Juan ay maaaring mahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo o reclusion perpetua.

Patuloy na nakasalang sa Makati Regional Trial Court ang kaso ni San Juan at iba pang miembro ng Magdalo group dahilan sa umanoy kinalaman ng mga ito sa July 27, 2003 Oakwood mutiny sa 31 akusado, tanging 27 akusado lamang dito ang pumunta sa korte kahapon.

Samantala, sinabi naman ni dating Navy Lt. Senior Grade Antonio Trillanes IV na ang desisyon ni San Juan ay karapatan nito at wala siyang karapatan na pakialaman ito.

"Sana sarilinin mo na lang ang desisyon mo at wag ka nang mandamay. Sana isipin mo rin ang kapakanan ng iba" pahayag ni Trillanes.

Sinabi naman ni San Juan na "Sasarilinin ko itong desisyon. Hindi ako mandadamay. Sana inisip mo noon ang kapakanan nila. Yan ba ang ugali ng isang magiging Senador,"

Si Trillanes ay kumakandidatong senador sa ilalim ng Genuine Opposition (GO). (Angie dela Cruz)

GENUINE OPPOSITION

JUAN

JUDGE OSCAR PIMENTEL

LIEUTENANT LAWRENCE SAN JUAN

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SAN JUAN

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with