Binastos ang misis, jail guard namaril
March 7, 2007 | 12:00am
Isang tricycle driver ang binaril at napatay ng isang jail guard matapos umano itong mag-text ng bastos na mensahe sa cellphone ng misis ng huli, kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Nasawi noon din ang biktimang si Randy Eguia, 30, ng Block 3 Lot 3 Orient St., Interville Subdivision, Novaliches, Quezon City sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa tiyan.
Sumuko naman sa pulisya ang suspect na si Jail Officer Randy Sanchez, nakatalaga sa Gen. Mariano Alvarez, Cavite Municipal Jail at residente ng Block 6, Lot 3 Recom Ville, Brgy. 170, Deparo, Caloocan City.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya na naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng umaga sa harapan ng isang bahay na matatagpuan sa Block 6 Lot 3 ng Brgy. 170, Deparo.
Napag-alaman na nagsumbong sa suspect ang misis nito na nakilalang si Cheryll Sanchez, 29, na ayon dito tinitext siya ng bastos na mensahe ng biktima.
Kinompronta ng suspect ang biktima na ikinairita ng huli hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa kinuha ng suspect ang kanyang service firearm at saka binaril si Eguia na naging sanhi ng kamatayan nito. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended