^

Metro

Driver umiwas sa aresto, nakabundol

- Ni Angie dela Cruz -
Doble-dobleng kaso ang kinakaharap ng isang jeeney driver makaraang makabundol at mapatay nito ang isa sa tinatakasang humuhuling traffic enforcer dahil sa paglabag sa batas trapiko, kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Hindi na umabot ng buhay sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Wilson Halili, 29, ng Muñoz St., Vito Cruz Manila sanhi ng pinsalang tinamo nito sa ulo at sa katawan habang sugatan ang ka-angkas niyang si Iris Grace Ornido, 22, nang banggain sila ng minamanehong pampasaherong jeep.

Kapwa nakakulong sa Pasay City Traffic Bureau ang magkapatid na Wilfredo, 28, at Fernando Prieto ng 1965 Panday Pira St., Tondo Manila.

Sugatan din matapos na unang madagit ng jeepney na may plakang PWU-274 si Emerlito Ventura, 22 ng 1211 Soriano St., Tondo habang sakay din ng kanyang motorsiklo.

Batay sa report ng Pasay City Traffic Enforcement Unit, dakong alas-4 ng hapon nang maganap ang insidente sa Roxas Blvd. matapos sitahin ng traffic enforcer na si Ambrosio Payumo si Wilfredo dahil sa ginawang pagbiyahe nito ng "out of line" sa nasabing lugar subalit sa halip na huminto ay tumakbo patungong Baclaran.

Hinabol at inabutan ni Payumo ang jeepney sa Baclaran overpass at dadalhin na sana sa impounding area nang muling tumakas at pinaharurot ang sasakyan patungong Maynila.

Muling hinabol ni Payumo ang jeepney at aabutan na sana sa Buendia flyover nang biglang bumalik at sinalubong ang daloy ng trapiko sa Roxas Blvd. hanggang masagi ang motorsiklong minamaneho ni Ventura at tuluyang banggain naman ang kasalubong na isa pang motorsiklo kung saan magka-angkas ang nasawi at ang babaeng sugatan.

AMBROSIO PAYUMO

BACLARAN

DIOS HOSPITAL

EMERLITO VENTURA

FERNANDO PRIETO

IRIS GRACE ORNIDO

PANDAY PIRA ST.

PASAY CITY

PASAY CITY TRAFFIC BUREAU

ROXAS BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with