5-anyos na bata dinukot ng yaya
March 6, 2007 | 12:00am
Hinihinala ngayon ng pulisya na miyembro ng isang sindikato na nagbebenta ng mga bata ang isang yaya na tumangay ng kanyang inaalagaan na 5-anyos na batang lalaki kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang suspect na nakilalang si Melinda Malapo, 21, dalaga, nakatira sa Montalban, Rizal. Ito ang itinuturong tumangay sa batang si Daryl Imperial, ng Sct. Limbaga St., Brgy. Sacred Heart, Quezon City.
Ayon sa tiyuhin ng biktima na si Joseph Dy, nagpaalam umano ang suspect na ipapasyal ang biktima na pinayagan naman nito subalit lumipas ang magdamag ay hindi pa bumabalik ang mga ito.
Dito na nagsumbong sa pulisya ang mga kaanak ng biktima dahil sa hindi na rin makontak ngayon ang suspect.
Inaalam ng pulisya kung ang suspect ay miyembro ng sindikato na nagbebenta ng mga paslit sa mga dayuhan at mayayaman. Nagaganap umano ang ganitong modus-operandi sa buong Metro Manila. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am