Bebot nilikida, isiniksik sa kahon
March 6, 2007 | 12:00am
Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae ang natagpuan na nakasilid at pinagkasya sa isang kahon na hinihinalang biktima ng summary execution, kamakalawa ng hapon sa Quezon City.
Patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan sa biktima na nasa pagitan ng 20-25 anyos, mahaba ang buhok, nakasuot ng dark blue na blouse at short pants.
Ayon sa ulat, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-3:30 ng hapon sa Bristol St. Brgy. North Fairview, QC ng tatlong batang-kalye na nangangalakay ng basura.
Sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operations, nagtamo ng mga sugat sa ulo at mukha ang biktima na naging sanhi ng kamatayan nito. Itinali rin ang kamay nito ng isang kawad ng kuryente. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest