Illegal vendor ikukulong

Dahil sa sobrang tigas ng ulo, kakasuhan at ipakukulong ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga pasaway na vendors na pabalik-balik sa puwesto sa kabila nang paulit-ulit na clearing operation ng MMDA.

Sinabi kahapon ni MMDA Chairman Bayani F. Fernando na isasagawa nila ang naturang hakbang upang bigyan ng leksiyon ang mga pasaway na maninindang mahilig magtinda sa mga ipinagbabawal na lugar.

Kaugnay nito, inabisuhan ang mga motorista na umantabay sa traffic build-up sanhi ng pagsasara ng north at south bound portions ng Cubao underpass sa isinasagawang rehabilitation sa mga dilapidated na bahagi ng kalsada. (Lordeth Bonilla)

Show comments