^

Metro

Jeep vs jeep: Lola nasawi

-
Patay ang isang 71-anyos na babae habang malubha namang nasugatan ang apo nito makaraang bumangga ang sinasakyan nilang owner type jeep sa isang pampasaherong dyip, kahapon ng umaga sa Marikina City.

Kinilala ang biktima na si Roselina Moneda na nasawi sa lugar ng insidente matapos na lumusot ang katawan nito sa windshield dahil sa lakas ng pagkakabangga, habang kasalukuyan namang inoobserbahan sa Amang Rodriguez ang apo nitong si Regidor Badrina dahil sa matinding pinsala nitong tinamo sa ulo at katawan.

Agad namang sumuko sa awtoridad ang suspect na si Felipe Rivera, driver ng pampasaherong dyip na nakabanggaan ng sasakyan ng biktima.

Naganap ang insidente dakong alas-6:20 ng umaga sa kahabaan ng Gil Fernando sa kanto ng Falcon Sts. Brgy. Sta. Elena ng lungsod na ito.

Nabatid na magkahi walay na tinatahak ng dalawang sasakyan ang kahabaan ng nasabing lugar. Pagsapit ng mga ito sa kanto ng Falcon St. ay huli na ng mapansin ng mga ito na babangga sila sa isa’t isa. Dahil sa lakas ng pagbangga ay tumilapon ang matandang biktima at lumusot ang katawan sa harapang salamin ng kanilang sasakyan na minamaneho ng kanyang apo dahilan ng agarang pagkamatay nito.(Edwin Balasa)

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ

EDWIN BALASA

FALCON ST.

FALCON STS

FELIPE RIVERA

GIL FERNANDO

MARIKINA CITY

REGIDOR BADRINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with