^

Metro

Killer ng lolong bading, timbog

-
Nadakip na ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang suspect sa pagpatay sa isang 65-anyos na lolo na sinasabing isang bading nang salakayin ng mga pulisya ang pinagtataguan nito sa Muntinlupa City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang suspect na si Alexander Sola, binata, pedicab driver at residente ng #2403 Vitas St., Tondo. Ito ang itinuturong pumatay sa biktimang si Delfin Mogado, store owner, na natagpuang patay dahil sa saksak sa leeg sa loob ng kanyang bahay sa #2426 Vitas St., Tondo nitong Pebrero 28.

Ayon kay C/Insp. Dominador Arevalo, hepe ng MPD-Theft and Robbery Section, itinuro ng mga saksi si Sola nang makita nilang lumabas sa bahay ng biktima. Hindi naman ito agad na naaresto matapos na lisanin ang bahay at tuluyang magtago.

Isang impormasyon ang natanggap nina Arevalo kung saan namataan ang suspect dakong alas-4 ng hapon sa Purok 7 sa riles ng tren sa Alabang, Muntinlupa City. Agad na nakipag-ugnayan sina Arevalo sa Muntinlupa Police at pinuntahan ang bahay na tinutuluyan nito.

Nakatunog naman ang suspect kaya’t nagtangkang tumakas. Isang mahabang habulan ang naganap hanggang sa tuluyang masukol sa LMB Village, Alabang matapos na mabagok ang ulo nang tumalon sa pader.

Inamin ng suspect ang kanyang pagpaslang at pagnanakaw sa biktima. Sinabi nitong may relasyon sila ng biktima at niyaya siyang makipagtalik ngunit umayaw siya sa pinagagawa kaya nagawa niya itong paslangin. (Danilo Garcia)

ALABANG

ALEXANDER SOLA

AREVALO

DANILO GARCIA

DELFIN MOGADO

DOMINADOR AREVALO

MUNTINLUPA CITY

VITAS ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with