^

Metro

‘Plebisito’ sa Navotas hiniling

-
Hiniling ni Navotas Mayor Toby Tiangco sa Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng "plebisito" sa kanyang bayan upang malaman ang pulso ng kanyang kababayan matapos na umano’y mapulitika ang pagsusulong na gawing siyudad ang naturang bayan.

Ayon kay Tiangco sa kanyang liham sa Comelec, dapat nang isagawa ang "plebisito" sa kanyang nasasakupan upang malaman ang nais ng kanyang constituents na gawing lungsod ang Navotas.

Sa naturang panukalang plebisito, hiniling ni Tiangco na kailangang idaan sa botohan bago ang May 14 elections upang mabatid kung gusto o hindi ng mga mamamayan ng Navotas na magkaroon sila ng kongresista at ganap na lungsod ang kanilang bayan.

Ang kahilingang plebisito ni Tiangco ay inihain sa tanggapan ni Comelec chairman Benjamin Abalos dahil sa pagkabimbin na ganap na maisabatas na pagiging lungsod ng Navotas.

Sinabi pa ng alkalde na kung hindi ito mangyayari ay maaaring maghintay pa sila ng hanggang 2010 na hindi na patas sa interes ng kanyang mga constituents.

Nabatid na tanging lagda na lamang ng Pangulo ang hinihintay upang ganap na maisabatas ang House Bill 5500 o Cityhood ng Navotas na kamakailan ay niratipikahan na ng Senado at Kamara.

Kaugnay nito, malaki ang hinala ni Navotas Mayor Toby Tiangco na "pulitika" ang dahilan kung bakit patuloy na nakabimbin ang mga dokumento na dapat lagdaan ng Pangulo dahil may mga pumipigil ditong isang pulitiko. (Ellen Fernando)

BENJAMIN ABALOS

COMELEC

ELLEN FERNANDO

HOUSE BILL

NAVOTAS

NAVOTAS MAYOR TOBY TIANGCO

PANGULO

TIANGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with