^

Metro

Housemaid hiniwalayan ng nobyo lumaklak ng insecticide

-
Nasa malubhang kalagayan ang isang 18-anyos na katulong makaraang magtangka itong magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng insecticide matapos na hindi umano kayanin ang pakikipaghiwalay ng nobyo kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktimang nakilalang si Beth Salona, stay-in housemaid sa isang bahay sa Filipinas Village sa Brgy. Malanday ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat, naganap ang tangkang pagpapakamatay ng biktima dakong alas-9:15 ng gabi matapos nitong uminom ng isang brand ng insecticide na kanyang nakalahati ang laman.

Sinuwerte namang naagapan ng kanyang mga amo ang biktima kaya agad na isinugod ito sa pagamutan.

Lumalabas sa imbestigasyon na ilang araw ng napapansin ng kanyang mga amo ang biktima na laging malungkot at pawang wala sa sarili.

Sa ospital na nalaman ng kanyang mga amo na hiniwalayan ito ng nobyo.

Posibleng dinamdam nito ang pangyayari kaya naisipan na lamang na uminom ng insecticide para tapusin ang kanyang buhay. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

AYON

BETH SALONA

BRGY

EDWIN BALASA

FILIPINAS VILLAGE

KASALUKUYANG

LUMALABAS

MALANDAY

MARIKINA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with