^

Metro

Lolo nilooban saka pinatay

-
Isang lolo na namumuhay na mag-isa ang natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay matapos na tarakan ng patalim sa leeg at pagnakawan pa ng hindi nakikilalang suspect kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Delfin Bogado, 64, negosyante, ng 2426 Vitas St., Tondo. Patuloy namang kinikilala ang suspect na pumaslang sa biktima.

Sa ulat ng MPD-Homicide Section, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-11:30 ng gabi ng kanyang kapatid na si Conrado Bogado.

Ayon dito, dalawang oras siyang naghintay sa labas ng bahay ng kanyang kapatid sa kabila ng patuloy niyang pagkatok sa pintuan nito. Dahil sa hinalang may masamang nangyari sa utol puwersahang binuksan nito ang pinto ng bahay kung saan ay bumulaga sa kanya ang bangkay ng kapatid na nakaupo sa sofa at walang saplot sa katawan.

Nabatid sa pagsusuri ng pulisya na isang saksak sa leeg ang naging sanhi ng kamatayan nito.

Posible rin na pinagnakawan ang biktima dahil sa magulo ang mga gamit at bukas lahat ang aparador ng bahay. Palaisipan rin ang kawalan ng damit ng biktima na ayon sa mga kapitbahay ay isa umanong bakla.

May anggulo ang pulisya na posibleng pinapasok ng nasawi ang suspect kung saan dito na naganap ang krimen. (Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

CONRADO BOGADO

DAHIL

DANILO GARCIA

DELFIN BOGADO

HOMICIDE SECTION

ISANG

MAYNILA

NABATID

VITAS ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with