^

Metro

Ginang lasog sa tren

-
Isang 45-anyos na ginang ang nasawi makaraang makaladkad ng tren ng PNR sa Pandacan, Maynila, kahapon ng umaga. Nagkalasug-lasog ang katawan ng ginang na si Remilyn Bautista, ng Daang Riles,Obesity St., Pandacan. Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga sa harapan ng bahay nito sa gilid ng riles ng PNR.

Nabatid na abala ang ginang sa paglilipat ng kanyang mga gamit dahil sa nakatakdang i-demolish ang kanilang bahay. Nabatid na tinangkang umiwas ng ginang sa paparating na tren ngunit dahil sa nakahambalang ang kanyang mga gamit ay tuluyan na siyang nahagip. Umabot ng 10 metro ang pagkakaladkad sa ginang hanggang sa kumalas ang katawan nito sa tren ngunit nabagok naman ang ulo. (Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

DAANG RILES

DANILO GARCIA

ISANG

MAYNILA

NABATID

NAGKALASUG

OBESITY ST.

PANDACAN

REMILYN BAUTISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with