^

Metro

Pulis inireklamo ng 6 na driver

-
Nalalagay ngayon sa balag ng alanganin na masibak sa puwesto ang isang tauhan ng pulisya makaraang magreklamo ang anim na driver ng pampasaherong dyipni ng kasong extortion sa lungsod ng Caloocan kahapon.

Kabilang sa mga nagreklamo laban kay PO3 Ramon Cuntapay ng Police Community Precinct 12 Sub-Station 3 ng Caloocan City sa tanggapan ni P/Chief Insp. Jose Valencia, hepe ng Investigation Branch ay sina Joseph Bulawan, 30; Patrick Jake Rodelas, 23; Vhenny delos Reyes, 25; mga residente ng Bagong Silang; Edwin Temple, 28; Edgardo Bartena, 30, kapwa naninirahan sa Fairview, Quezon City; at si Dolphy Toledo, 25, ng Blk 12, Lot 3, Tower Ville, Sapang Lamig, San Jose del Monte, Bulacan.

Nag-ugat ang reklamo nang arestuhin ni Cuntapay, ang mga biktima noong Biyernes ng alas-2 ng madaling-araw habang bumibiyahe sa may Bagong Silang dahil sa paglabag sa batas-trapiko (out of route).

Dito ay nagawang ipa-impound ni Cuntapay ang mga sasakyan ng mga driver kung saan humingi ang una ng P3,000 para mai-release ang mga sasakyan.

Nagtakda pa ng oras ang nasabing pulis para makuha ang mga sasakyan at kung hindi makapagpo-produce ng nasabing halaga, mauuwi ito sa P6,000.

Sa puntong ito, nagpasya ang mga driver na magreklamo sa kinauukulan para ipabatid ang hinaing.

Samantala, ayon sa mga driver, ang regular na ruta nila ay SM Fairview via Welcome Rotunda sa Quezon City, subalit inamin ng mga ito na kumukuha sila ng pasahero kapag papauwi na sila ng Bagong Silang.

Nakatakdang sampahan ng kasong kriminal at administratibo si Cuntapay habang hinihintay ito sa nasabing himpilan upang bigyang-linaw ang nasabing reklamo. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

CHIEF INSP

CUNTAPAY

DOLPHY TOLEDO

EDGARDO BARTENA

EDWIN TEMPLE

FAIRVIEW

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with