^

Metro

Tinedyer napagtripang patayin

-
Napaslang ang isang 17-anyos na binatilyo matapos na mapagtripang pagbabarilin ng isang grupo ng kalalakihang sakay ng kotse sa tapat ng tindahan ng tubig sa Tondo, Manila kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Edward Martin, walang hanapbuhay, at residente ng #102 Mata St., Capulong, Tondo.

Base sa ulat ng pulisya, naitala ang insidente dakong alas-3:15 ng madaling-araw sa tapat ng isang tindahan ng purified water sa #265-B Capulong St.

Naglalakad ang biktima nang hintuan ng isang kotse sakay ang mga di-kilalang lalaki na pinaniniwalaang lango sa droga

Isa sa mga ito ang bumaba at agad na pinaputukan ang biktima sanhi ng kamatayan nito.

May teorya ang pulisya na napagtripan ang biktima, subalit sinisilip ang anggulong gang war ang isa sa motibo ng krimen. (Danilo Garcia)

vuukle comment

B CAPULONG ST.

CAPULONG

DANILO GARCIA

EDWARD MARTIN

ISA

ISANG

KINILALA

MATA ST.

NAGLALAKAD

NAPASLANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with