^

Metro

Binata wala sa tono kinatay sa videoke bar, kritikal

-
Dahil sa sintunado sa pagkanta ng tinaguriang deadly song na "My Way", isang binata ang nag-aagaw buhay ngayon matapos na tadtarin ng saksak ng isang lalaking lasing na nairita sa loob ng isang videoke bar sa Calooca(©  n City kahapon ng madaling-araw.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Manila Central University Hospital ang biktima na kinilalang si Albert Camu, dahil sa apat na tama ng saksak sa katawan. Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspect na nakilala lamang sa alyas na Monching.

Sa ulat, dakong alas-3 ng madaling-araw habang kasama ng biktima ang mga kaibigang sina Jerion Jutib at Basilia Carpio at kumakanta sa isang videoke bar sa loob ng Bonifacio Market sa Monumento nang maganap ang di inaasahang insidente.

Ayon sa mga saksi, habang hawak ni Camu ang mikropono at kumakanta ng My Way nang bigla na lamang itong nilapitan ng suspect na ha_latang galit na galit.

Hinihinala na posibleng napikon ang suspect dahil sa walang tono ang pagkanta ng biktima sa nasabing kanta na noon ay pangisi-ngisi pa._

Nang lumapit ang suspect ay agad nitong inundayan ng sunud-sunod na saksak ang biktima.

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung may personal o matinding galit ang suspect sa biktima kaya naisagawa   ang nasabing krimen na itinaon naman habang kumakanta ito sa nasabing bar.

Dala nang pagkabigla, wala namang nagawa ang mga kaibigan ng biktima kundi isugod na lang ang huli sa nasabing ospital kung saan patuloy noa inoobserbahan. (Ellen Fernando)

ALBERT CAMU

AYON

BASILIA CARPIO

BIKTIMA

BONIFACIO MARKET

CALOOCA

ELLEN FERNANDO

JERION JUTIB

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

MY WAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with