^

Metro

Sekyu sa Manila City hall, inireklamo

-
Naghain kahapon ng reklamo sa City Administrator Office ang ilang reporter na nakatalaga sa Manila City Hall matapos na bastusin at hamunin ng suntukan sa gitna ng maraming tao ng isang aroganteng Security Guard na miyembro ng City Security Force (CSF) ng Manila City Hall na nagdulot ng pagkapahiya sa mga nasabing mamamahayag.

Sa isinampang reklamo ni Kenneth Montegrande na Reporter ng pahayagang Tanod at Broadcaster ng DZME at Raymund Antonio, Reporter ng Manila Bulletin at isang sibilyan na si Cris Reyes, papalabas na sila ng nasabing gusali nang harangin sila ng security guard na nakilala sa apelyidong Velasco at hamunin ng suntukan.

Ayon kay Montegrande at Antonio, batay sa kanilang sumbong kay City Administrator Dino Nable, bago naganap ang pambabastos dakong alas-10:15 ng umaga kahapon, habang papasok sa nasabing gusali si Montegrande, masama at matalim na ang tingin ni Velasco na ipinagtaka nito.

Pinalampas na ni Montegrande ang masamang tingin ni Velasco at paghahamon ng suntukan, na sa halip na patulan ay inireklamo na lamang kay Nable, gayunman, sa paglabas nina Montegrande, Antonio at Reyes sa gusali ng city hall upang mananghalian, muling naghamon ni Velasco ng away at sinabing "Ano, kakasa ka?" Kasunod pa nito ang pinakawalang sunud-sunod na mura.

Dahil sa kahihiyang inabot ng tatlo, muli na lamang pinalampas nina Antonio, Montegrande at Reyes ang ipinakitang ugali ni Velasco at sinabing hihintayin na lamang nila ang magiging aksyon ni Mayor Atienza hinggil sa nasabing guwardiya.

vuukle comment

CITY ADMINISTRATOR DINO NABLE

CITY ADMINISTRATOR OFFICE

CITY SECURITY FORCE

CRIS REYES

KENNETH MONTEGRANDE

MANILA BULLETIN

MANILA CITY HALL

MAYOR ATIENZA

MONTEGRANDE

VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with