^

Metro

4 na tauhan ni Jun Encarnacion, kinasuhan

-
Sinampahan ng kasong kriminal ng Manila Police District (MPD) ang apat na empleyado ng isang beauty salon na hinihinalang tumangay ng tinatayang P500,000 halaga ng salapi at mga gamit ng isang lady Mayor ng California, USA kamakailan.

Nahaharap sa kasong theft sa Manila Prosecutor Office ang mga suspect na sina Maricel Glean; Josephine Nuñez; Alberto Sabido at Alexander Cabanting, pawang mga empleyado ng Jun Encarnacion Beauty Salon sa loob ng Harrison Plaza sa Malate, Maynila.

Ang mga nabanggit ang hinihinalang tumangay sa pitaka ng biktimang si Ruth Uy Asmundson, 62, Mayor ng Davis California, USA noong nakaraang Pebrero 16. Natangay din dito ang US$920, mga credit cards at walong 2 Gig USB calling cards.

Dahil sa pagsasampa ng kaso sa mga akusado, nakaiwas sa posibleng pagkasibak sa puwesto si MPD-Station 9 (Malate) commander Supt. Hilario Orlalo na tinaningan ni Mayor Lito Atienza ng 72 oras para resolbahin ang kaso.

Nabatid na tumibay ang hinala ng pulisya na may kaugnayan ang naturang mga empleyado sa pagkawala ng gamit ng biktima dahil sa sila lamang ang nasa loob ng salon nang maganap ang pagnanakaw at hindi man lamang gumawa ng paraan para ipaalam sa kanila ang insidente matapos na magreklamo ang biktima.

Sinabi naman ni Mayor Atienza na hindi pa tuluyang nareresolba ang kaso dahil sa kailangan pang marekober ang ninakaw na pera at gamit kay Mayor Asmundson. Ka ilangan din umanong managot ng management ng Jun Encarnacion Salon sa insidente at ang security agency ng Harrison Plaza. (Danilo Garcia)

ALBERTO SABIDO

ALEXANDER CABANTING

DANILO GARCIA

DAVIS CALIFORNIA

HARRISON PLAZA

HILARIO ORLALO

JOSEPHINE NU

JUN ENCARNACION BEAUTY SALON

JUN ENCARNACION SALON

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with