Magbiyenan inambush, ginang dedo
February 20, 2007 | 12:00am
Patay ang isang 24-anyos na ginang habang nasa kritikal na kondisyon naman sa pagamutan ang biyenan na lalaki nito matapos na tambangan ng mga hindi nakilalang suspect kahapon ng umaga sa Tondo, Manila.
Hindi na umabot ng buhay sa Tondo General Hospital dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan ang biktimang si Roselle Francisco, residente ng #771 Ma. Guizon St., Tondo, habang patuloy na sinasalba ang buhay ng biyenan nito na si Rogelio Halili, 46. Hindi naman nakilala ang dalawang suspect na kaswal na naglakad lamang papalayo matapos na pagbabarilin ang mga biktima.
Sa ulat ng MPD-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-10:15 ng umaga malapit sa bahay ng mga biktima. Sakay ng isang violet na Toyota Integra (ETB-768) ang magbiyenan na nag-uusap nang lapitan ng gunman at sunud-sunod na paputukan ang mga ito.
Sa imbestigasyon, lumalabas na unang napatay ang asawa ni Francisco na si Rommel noong nakaraang Disyembre 20 sa loob ng Metropolitan Hospital. Nabatid na ipinapatay din si Rommel ng mga hindi nakilalang suspect ngunit nakaligtas ito at naisugod sa pagamutan. Tinuluyan naman itong patayin nang magkunwaring doktor ang suspect at pagsasaksakin si Rommel sa kuwarto nito sa pagamutan.
Hinihinala ng pulisya na may kaugnayan din kay Rommel Francisco ang naganap na pag-ambush sa asawa at biyenan nito. Nagsasagawa ngayon ng mas malalim na imbestigasyon ang pulisya ukol sa krimen. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended