^

Metro

Parañaque Mayor Bernabe nasa ‘hot water’

-
Posibleng malagay sa balag ng alanganin at makasuhan si Parañaque City Mayor Florencio Bernabe Jr. dahilan sa pag-iisyu umano ng permit hinggil sa ipinagbabawal na illegal drag racing activity sa lungsod na kanyang nasasakupan.

Sa press briefing kahapon sa Camp Crame, sinabi ni PNP-Traffic Management Group (PNP-TMG) chief Director Errol Pan na gusto nilang makunan ng paliwanag si Bernabe sa nasabing isyu.

Ayon kay Pan, kasalukuyan din nilang inaalam kung ang napasakamay nilang permit na nilagdaan ni Bernabe para makapagsagawa ng nasabing drag racing activity ay totoo o peke. Sinabi pa ni Pan na ang drag racing o mapanganib na karera ng mga behikulo ay mahigpit na ipinagbabawal dahilan karaniwan na itong pinagmumulan ng mga sakuna na humahantong sa kamatayan.

Sa nakuhang permit ni Pan mula sa Office of the City Mayor ng Parañaque ay nakasaad dito ang pagpapahintulot ni Bernabe para makapagsagawa ng legal na drag racing activity sa kahabaan ng Diosdado Macapagal Blvd. sa Baclaran, Parañaque City mula Pebrero 17 hanggang Marso 2007.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Pan na sakaling mapatunayang genuine ang napasakamay ng PNP-TMG na permit na inisyu ni Bernabe ay mahaharap ang mayor sa kasong kriminal. (Joy Cantos)

AYON

BERNABE

CAMP CRAME

CITY MAYOR FLORENCIO BERNABE JR.

DIOSDADO MACAPAGAL BLVD

DIRECTOR ERROL PAN

JOY CANTOS

OFFICE OF THE CITY MAYOR

TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with