Kung hindi accredited: Towing service kakasuhan ng carnapping
February 19, 2007 | 12:00am
Kakasuhan ng carnapping ang mga towing services kahit legal ang kanilang operasyon kapag humatak sila ng mga nasiraang sasakyan sa mga kalye na hindi magbibigay ng abiso o hindi man lamang iimpormahan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ito ang naging babala kahapon ni MMDA General Manager Robert C. Nacianceno sa lahat ng towing services na lumabag sa kanilang derektiba.
Aniya dapat magbigay ng abiso o impormahan ng towing services ang MMDA Metro Base 24-hours Monitoring, bago sila humatak ng sasakyang nasiraan sa kalye.
Kasabay nito, nagsagawa ng inspection si Nacianceno, kung sinu-sino ang mga towing services na accredited sa MMDA.
Aniya, kung hindi accredited sa nabanggit na ahensiya ang towing services, ikokonsidera na iligal ang operasyon nito.
Ang hakbangin ng MMDA ay kaugnay na rin ng mga reklamo ng mga motorista, na maraming towing services ang gumagala sa ilang pa ngunahing lansangan ng Metro Manila na iligal ang operasyon. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 15, 2024 - 12:00am