^

Metro

Tulong ni SB, hingi ng komite sa motel issue

-
Hiningi na ng Blue Ribbon Committee ang tulong ni Quezon City Mayor Feliciano "SB" Belmonte para maipasara ang may 30 hotels, motels at pink houses sa Quezon City dahil sa paglabag sa City Ordinance at National Building Code.

Sinabi ni QC Councilor Dante de Guzman, chairman ng komite, nagbigay na siya ng rekomendasyon sa tanggapan ni Belmonte para maipad-lock ang naturang mga establisimyento na di tumutupad sa mga alituntunin ng naturang batas at ordinansa.

Sa 15 pahinang resolusyon na nilagdaan ni de Guzman, Councilor Bernadette Dy-Vice Chairperson, committee members na sina Councilors Joseph Juico, Voltaire Liban,Edcel Lagman Jr, Antonio Inton, Rommel Abesamis at Restituto Malangen, hiniling ng mga itong maipasara ang naturang mga establisimiento na nasa kahabaan ng Commonwealth avenue at Quirino Highway.

Partikular na nilabag ng mga ito batay sa resulta ng imbestigasyon ng composite team na binubuo ng Business Permit and Licensing Office, City Engineers Office, Health Department,Fire Department, City Planning Development Office at Cultural Tourism Affairs Office (CTAO) na patuloy ang pag-ooperate ng short time ng naturang mga establisimiento na isang paglabag sa naturang batas.

Ilan sa mga nairekomenda ng komite kay Mayor Belmonte na maipasara ay ang Kyoto Novaliches; Smart Hotel; South Homes Apartelle, Timog; Hotel Mokko Novaliches; Victorias Grand Hotel Novaliches; Miami Hotel Cubao; QC Apartelle, E. Rodriguez; Dry Run, Fairview; Camelot Hotel, Brgy. South Triangle; Confiado Apartelle, Cubao; City Crown, Aurora Blvd at 20 iba pa.

Ngayong linggo nakatakdang isilbi ng komite ang notice of violations sa nabanggit na mga establisimyento upang magbigay ng paliwanag sa loob ng tatlong araw hinggil sa kung bakit hindi sila maaaring maipasara. (Doris Franche)

ANTONIO INTON

AURORA BLVD

BELMONTE

BLUE RIBBON COMMITTEE

BUSINESS PERMIT AND LICENSING OFFICE

CAMELOT HOTEL

CITY CROWN

CITY ENGINEERS OFFICE

CITY ORDINANCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with