^

Metro

Lasing tumalon sa ilog todas

-
Patay ang isang lalaki makaraang tumalon umano ito sa ilog habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kapitbahay kahapon ng madaling araw sa Pasig City.

Kinilala lamang sa pangalang Sonny ang biktima, isang mangingisda at residente ng Brgy. Kalawan ng lungsod na ito.

Ayon kay PO2 Melvin Mendoza, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-12:45 ng madaling-araw habang nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa likod bahay ng isang Mario Belen sa no.116 Tatco St. Brgy. Kalawaan ng lungsod na ito.

Nabatid na sa gitna ng inuman ay bigla na lang umanong sumakay ng bangka ang biktima at ilang saglit ay tumalon ito sa ilog.

Agad namang sinaklolohan ang biktima ng kanyang mga kainuman at nilangoy ang lugar na pinagtalunan nito subalit hindi na nila ito nasagip hanggang sa magpasya na humingi ng tulong at isinagawa ang  rescue operation upang nasagip ang biktima.

Makalipas ang ilang oras ay bangkay na itong natagpuan. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AYON

BRGY

EDWIN BALASA

KALAWAAN

KALAWAN

KINILALA

MARIO BELEN

MELVIN MENDOZA

PASIG CITY

TATCO ST. BRGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with