^

Metro

Ama pumatay sa anak na babae, tiklo

-
Nadakip kahapon ng mga tauhan ng Manila Police District ang isang ama na pumaslang sa kanyang 11-anyos na anak na babae na kanyang pinagpapalo sa ulo isang linggo na ang nakalilipas sa lalawigan ng Bulacan.

Nakadetine ngayon sa MPD-Integrated Jail ang suspect na si Gerry de Dios, 40, residente ng Poblacion, Bustos, Bulacan. Ito ang pangunahing suspect sa pagpatay sa biktimang si Camille de Dios nitong nakalipas na Pebrero 12.

Nabatid na naaresto si de Dios matapos na ituro ng sarili nitong kapatid na si Millet de Dios sa MPD-Traffic Enforcement Group. Inaresto ito ng mga pulis sa harapan ng isang drug store sa Blumentritt, Sta. Cruz dakong alas-2 ng hapon.

Base sa rekord ng pulisya, nagawang patayin ng suspect ang anak dahil sa matinding selos. Nagpadala umano ng cellphone ang kanyang asawa na si Carolyn Perez de Dios na nagtatrabaho bilang nurse sa Saudi Arabia sa isang pamangkin na binusisi naman ng suspect. Dito nito nakita na puro pangalan ng lalaki ang nakalagay sa phonebook ng cellphone. Nabatid pa na nagpadala ng "text message" ang suspect sa kanyang misis na isa-isang papatayin ang kanyang mga anak kung saan inuna nito ang biktima na pinagpapalo nito ang ulo hanggang sa masawi.

Nakatakda namang ilipat ng MPD ang kustodiya sa suspect sa Bustos, Bulacan PNP upang dito kaharapin ang ginawang krimen. (Danilo Garcia)

BLUMENTRITT

BULACAN

CAROLYN PEREZ

DANILO GARCIA

DIOS

INTEGRATED JAIL

MANILA POLICE DISTRICT

NABATID

SAUDI ARABIA

TRAFFIC ENFORCEMENT GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with