Binigyan ng limang araw na taning ni Makati City Regional Trial Court Judge Oscar Pimentel, ng Branch 148 ang prosecution sa pangunguna ni Asst. Senior State Prosecutor Juan Navera, upang mag-comment at ipaliwanag kung bakit hindi maaaring bigyan ng katwiran ang petition for bail na isinampa ng kampo ni Honasan sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Daniel Gutierrez.
Ayon sa prosecution, walang tiwala ang gobyerno na hindi muling tatakas si Honasan dahil sa may bahid na ito na madalas na pagpuga.
Hindi aniya katwiran na komo matanda na ang nabanggit na mam babatas at mahina na ito ay hindi na ito makakatakas.
Kaya nga hindi binigyan ng punto ng prosecution ang naging katwiran ng kampo ni Honasan, na tapos na aniya ang panahon ng pagiging mapusok nito.
Ayon pa sa taga-usig, naiintindihan nilang kandidato si Honasan sa pagka-senador at kailangan nitong makalabas ng bilangguan upang makapag-kampanya, pero malamang umano na magkasumbatan o magkabatikusan sa pagbibigay ng special treatment sa mga personalidad tulad ni Honasan. (Lordeth Bonilla)