Parak sugatan sa bus holdap
February 16, 2007 | 12:00am
Isang kagawad ng pulisya ang malubhang nasugatan matapos itong pumalag mula sa isa sa limang kalalakihan na nangholdap sa sinasakyan nitong pampasaherong bus, kahapon ng umaga sa Makati City.
Ginagamot sa Makati Medical Center ang biktimang si P02 Leonido Santiago Jr., may sapat na gulang, nakatalaga sa Malvar, Batangas Police Station, nagtamo ito ng ilang tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sa sketchy report ng Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-9 ng umaga habang ang biktima ay sakay sa Alps Bus Liner, na may plakang DWP-777 at minamaneho ng isang Ruel Vilela galing Batangas patungong Lawton.
Napag-alaman na ang limang suspect ay isa-isang nagsakayan sa nabanggit na bus bandang Tanauan, Batangas at pagsapit ng Sta. Rosa, Laguna ay nagdeklara ang mga ito ng holdap.
Nabatid na pumalag ang biktimang parak ngunit naunahan siyang pagbabarilin ng isa sa limang suspect.
Pagdating ng Dela Rosa St., panulukan ng Gil Puyat Ave., Makati City, mabilis na nagbabaan ang mga suspect hanggang sa tumakas.
Natangay ng mga suspect mula sa mga pasahero at konduktor ng bus ang cash, mga cellphone at mga alahas, na may kabuuang halagang P50,000. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended