Dating lover ang suspect: Kumatay, sumunog sa doktor, tukoy na
February 16, 2007 | 12:00am
Tukoy na ng Manila Police District (MPD) ang pangunahing suspect na pumaslang sa isang doktor at nagtangkang sumunog sa katawan nito, habang lumutang rin ang anggulo na silahis ang biktima at nagkarelasyon ng dalawa.
Nakilala ang suspect na si Rolly Aguillon Roa, 29, binata, tubong Jaro, Iloilo at residente ng 493 Libis Reparo St., Baesa Road, Caloocan City. Huli itong nagtrabaho bilang account executive sa Plauski Foreign Exchange Corporation sa Paseo de Roxas, Makati City.
Ito ngayon ang itinuturong pumaslang sa biktimang si Dr. Vicente Maramag II, ophthalmologist ng Negros Navigation sa Manila North Harbour, Port Area, Maynila. Natagpuan itong patay sa loob ng kanyang kotse noong nakalipas na Enero sa may Bacood, Sta. Mesa, Maynila na may saksak sa katawan at tinangka pang sunugin ang bangkay nito.
Nabatid kay homicide chief, C/Inspector Alejandro Yanquiling Jr. na nagpalabas na ng warrant of arrest ang Manila RTC laban kay Roa. Mahihirapan naman ang pulisya na maaresto ito matapos na mabatid buhat sa Bureau of Immigration na nasa Bahrain na ito matapos na tumakas sa bansa nitong Enero 29.
Ayon pa kay Yanquiling, lumalabas sa imbestigasyon na dating ka-relasyon ni Maramag si Roa ngunit pinalitan na niya ito ng mas batang lalaki. Maaari umano na si Roa ang kasama ni Maramag sa kotse nito kung saan nanghihiram ang una ng pera para sa placement fee sa pagtatrabaho nito sa Bahrain.
Nakatakdang makipag-ugnayan ngayon ang MPD sa DFA, Phil. Consulate sa Bahrain at maging sa Interpol upang maibalik ang suspect sa bansa. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am