Pia Guanio inireklamo ng Israeli
February 15, 2007 | 12:00am
Naghain ng reklamo kahapon ang isang Israeli national laban kay TV host actress Pia Guanio matapos na kagatin ito ng alagang aso ng huli sa isang kilalang condominium, kamakalawa sa Pasig City.
Personal na nagtungo sa Eastern Police District upang magharap ng reklamo sa aktres ang biktimang si Emmanuel Fryzer.
Batay sa reklamo ng biktima, naganap ang insidente dakong alas-7:45 ng umaga kamakalawa habang naglalakad siya sa gilid ng swimming pool na nasa ikatlong palapag ng Renaissance 1000 na nasa Meralco Avenue ng nabanggit na lungsod nang bigla na lamang siyang hinabol ng aso na pag-aari ng aktres at nang maabutan ay kinagat siya sa hita.
Nang alamin ng biktima kung kaninong aso ang nakakagat sa kanya ay nabatid niyang ito ay pag-aari ni Guanio na nakatira naman sa Unit 804 ng condo.
Kasong reckless imprudence resulting to physical injuries ang nakatakdang isampa ni Fryzer laban sa aktres. Idinagdag pa nito na gumastos siya ng mahigit sa P50,000 sa pagpapagamot bukod pa ang mga isasagawa sa kanyang bakuna.
Gayunman, sinabi ni SPO1 Ernesto Andes, imbestigador ng EPD na ang kaso ay ibinababa niya sa barangay level.
Pinayuhan umano niya ang biktima na magtungo muna sa barangay para doon magreklamo at kapag hindi sila nagkasundo sa barangay ay saka pa lamang makakaaksyon ang pulis. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended