Batay sa nilagdaang memorandum ng Kalihim, binigyan niya ng 10 araw si NBI Director Nestor Mantaring upang tapusin ng NBI ang kanilang imbestigasyon. Mahigpit din ang kautusan ng Kalihim na sa sandaling matapos ang nasabing petsa ay dapat magsumite ng report at rekomendasyon sa kanyang tanggapan. Pagbabatayan ng DOJ ang magiging resulta ng imbestigasyon hinggil sa posibilidad na pagsasagawa ng pagdinig laban sa mga personalidad na sangkot sa insidente.
Ang hakbang ni Gonzalez ay bunsod nang naging pagdulog ni Barbers sa kanyang tanggapan matapos ang umano’y mabulilyaso ang planong pagdukot sa kanyang pamilya.
Kabilang sa mga inaakusahan ni Barbers na responsable sa insidente ay ang grupo ni PAF Airman Nino Virtucio at kapatid nitong si Noel. (Grace dela Cruz)