^

Metro

Comelec dinagsa ng mga kandidato at ng mga mandurukot

-
Bukod sa mga kandidatong dumagsa kahapon sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) upang maghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC), dumagsa din ang mga mandurukot dito.

Alas -7 pa lamang ng umaga ay dagsa na ang mga taga-suporta ng mga kandidato sa harapan ng opisina ng Comelec sa Intramuros Maynila kaya’t halos hindi makontrol ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang mga taong nagsisiksikan dito. Bukod dito iilan lamang ang mga operatiba ng MPD sa labas ang nagbabantay , habang sa loob naman ay ang mga miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine Army.

Dahil dito kaya’t ilang mga mamamahayag ang nadukutan ng cellular phone ng hindi nila namamalayan kabilang na dito si Bong Delos Santos na dating reporter at ngayon ay writer ni Mike Defensor.

Matapos ang ilang oras, cameraman naman ng isang malaking TV network ang nadukutan nang hindi nito namamalayan. Ang naturang insidente umano ay dahil sa hindi na makontrol na dami ng mga supporters, gayundin ang mga empleyado ng Comelec na sa kabila ng ipinalabas na babala na nagbabawal sa pag-aabandona sa kanilang mga puwesto ay hindi sinunod dahil sa pagdatingan ng maraming artista na sinamantala naman ng mandurukot na nasa loob mismo ng Comelec. (Gemma Amargo-Garcia)

BONG DELOS SANTOS

BUKOD

CERTIFICATE OF CANDIDACY

COMELEC

GEMMA AMARGO-GARCIA

INTRAMUROS MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with