^

Metro

Lady recruiter, tugis sa kasong libelo

-
Malaki ang hinala ng ilang miyembro ng Warrant Section ng Manila Police District na nagtatago na ang isang babaeng recruiter matapos na maglabas ng warrant of arrest laban sa kanya sa kasong libel.

Enero 29, 2007 ng lagdaan ni QCRTC Judge Rosanna Fe Romero-Maglaya ang warrant of arrest laban kay Shahara Abdullah, may-ari ng SGA Shahara Manpower International Services.

Nabatid na bukod sa kasong libel, may kaso din itong light threats, unjust vexation at grave threats.

Matatandaan na una nang naaresto ng NBI sa isang entrapment operation si Victor Fortuna na sinasabing kasabwat ni Shahara sa extortion activities.

Isinagawa ang entrapment activities sa World Center sa Makati.

Pinaghahanap pa ng pulisya ang mga posibleng kasabwat ni Abdulla sa kanyang mga ilegal na gawain. (Gemma Amargo-Garcia)

ABDULLA

ENERO

GEMMA AMARGO-GARCIA

ISINAGAWA

JUDGE ROSANNA FE ROMERO-MAGLAYA

MANILA POLICE DISTRICT

SHAHARA ABDULLAH

SHAHARA MANPOWER INTERNATIONAL SERVICES

VICTOR FORTUNA

WARRANT SECTION

WORLD CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with