^

Metro

Kilabot na fixer sa LTFRB, timbog ng NBI

-
Dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang fixer ng Land Transportation Franchising andng Regulatory Board (LTFRB) na mi_yembro umano ng H-World sa isang entrapment operaÿltion na isinaguawa kamaakalawa sa Quezon City.

Iprinisinta kahapon ni NBI director Nestor Mantaring ang nadakip na si Crisanto Cristobal, 38, ng Tatalon, Quezon City.

Sa ulat ng Counter Intelligence Division (CID), lumapit sa kanila ang may 15 jeepney operator sa pangunguna ni Juan Casanova at humingi ng tulong.

Sinabi nila na pinulong sila ni Cristobal noong Mayo 5, 2006 at nagpaa kilalang empleyado ng LTFRB kung saan naangako ito na kaya nitong ilakad ang pagkuha ng kanilang prangkisa sa rutang Karuhatan-Ugong sa Valenzuela City.

Nanghingi naman ito ng halagang P35,000 ka_da prangkisa kung saan umabot sa P457,500 ang kabuuang nasingil nito sa mga operators. Muli namang nakipagpulong si Cristobal sa mga operators sa loob pa mismo ng barangay hall ng Brgy. Gen. T. de Leon sa Valenzuela kunacg saan nag-alibi ito na marami pang gusot kaya hindi naipapalabas ang kanilang prangkisa.

Dito na humingi ng tulong sa NBI ang mga operators at isinagawa ang entrapment operation. Dinakip ito ng mga ahente sa loob ng LTFRB canteen sa Quezon City matapos na tumanggap ng marked money sa mga biktima.

Sa interogasyon, inamin naman ni Cristobal na isa nga siyang fixer at may kasabwat sa loob ng LTFRB. Nakuhanan din ito ng isang identification card ng H-World Organization.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspect. (Danilo Garcia)

COUNTER INTELLIGENCE DIVISION

CRISANTO CRISTOBAL

CRISTOBAL

DANILO GARCIA

DINAKIP

H-WORLD ORGANIZATION

JUAN CASANOVA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with