Bombay nalugi sa negosyo, nagpatiwakal
February 9, 2007 | 12:00am
Pinaniniwalaang labis na depresyon at pagkalugi sa negosyo ang dahilan ng ginawang pagpapatiwakal sa pamamagitan ng pag-uuntog ng ulo sa pader ang isang Indian national na natagpuang wala ng buhay kamakalawa ng hapon sa Pasay City.
Halos madurog ang bungo at naliligo na sa sariling dugo ang biktimang si Nirmal Singh, 47 nang unang matagpuan ng kanyang kapitbahay sa loob ng kanyang bahay sa 2485 Int. C, Taft Avenue dakong alas-4:30 ng hapon.
Batay sa ginawang pagsisiyasat ni PO3 John Baligat ng Criminal Investigation Division ng Pasay police, madalas umanong nakikita ng kanyang mga kapitbahay si Singh na laging naglalasing mula nang malugi sa negosyong pagpapautang.
Kamakalawa ay napansin ng kanyang kapitbahay na si Veronica Gomez, 49, na nakaawang ang pintuan ng bahay ng biktima na bihirang mangyari kaya’t ipinasiya ng ginang na sumilip sa loob ng bahay. Laking gulat ni Gomez nang makita ang duguang ulo ni Singh kaya’t kaagad niyang ipinagbigay alam ito sa awtoridad.
Ayon sa imbestigador, wala silang nakikitang foul play sa pagkamatay ng dayuhan at posible umanong pinag-uuntog nito ang kanyang ulo sa pader na naging dahilan ng pagkabasag ng bungo. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended