^

Metro

Grade 6 pupil Kritikal sa riot

-
Nasa kritikal na kondisyon ang isang grade six pupil matapos itong madamay nang sumpakin ng isa ring kabataang lalaki na kabilang sa kalabang fraternity ng tatlong kaibigan ng una, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Nilalapatan ng lunas ngayon sa Fort Bonifacio General Hospital ang biktima na nakilalang si Rommel Barbero, 13-anyos, ng Block 20, Lot 11, 11th Avenue, HHSG, Barangay Signal Village ng nabanggit na lungsod. Nagtamo ito ng tama ng bala sa ulo buhat sa isang sumpak.

Tumakas  naman  ang suspect na kinilala lamang sa isang "alias Gigi Ginoo", hindi binanggit ang edad, ngunit isa itong menor de edad, nakatira rin sa nabanggit na lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SP01 Conrad Mapili, ng Criminal Investigation Unit (CIU), Taguig City Police, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi sa kahabaan ng Phase 2, Pinagsama Village, Barangay Western Bicutan, Taguig City.

Napag-alaman na kasama ng biktima sa covered court ang kanyang mga kaibigang sina alyas Langga; alyas Mark at alyas Mikko nang mamataan sila ng suspect na si Ginoo.

Napag-alaman na kabilang sa kalabang grupo ng suspect ang tatlong kaibigan ng biktima kung kaya nang magpang-abot ang mga ito ay nagkaroon ng riot.

Napagitna naman sa sagupaan at nadamay ang biktima na minalas pang siyang tinamaan ng bala ng sumpak sa ulo.

Mabilis namang tumakas ang suspect nang makitang humandusay ang biktima.

Patuloy naman ang isinasagawang follow-up operation para sa ikaaaresto ng suspect. (Lordeth Bonilla)

BARANGAY SIGNAL VILLAGE

BARANGAY WESTERN BICUTAN

CONRAD MAPILI

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

FORT BONIFACIO GENERAL HOSPITAL

GIGI GINOO

LORDETH BONILLA

NAPAG

PINAGSAMA VILLAGE

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with