SA KASONG MURDER: Leviste sumuko
February 8, 2007 | 12:00am
Nagpalabas na kahapon ng warrant of arrest ang Makati City Regional Trial Court (RTC) laban kay dating Batangas Gov. Antonio Leviste matapos maiakyat sa kasong murder ang ginawa nitong pagpatay sa kanyang administrator na si Rafael Delas Alas.
Dakong ala-1:45 naman kahapon ng hapon sumuko sa tanggapan ni Supt. Gilbert Cruz, hepe ng Makati City Police si Leviste at hinihintay lamang ang commitment order nito para maikulong ito sa Makati City.
Nabatid na mula sa kasong homicide na isinampa ng Makati City Police laban kay Leviste na-upgrade ito sa kasong murder.
Makaraang magsagawa ng re-investigation si Department of Justice (DOJ) State Prosecutor Manuel "Manny" Velasco sa naturang kaso base na rin sa kahilingan ng kaanak ni Delas Alas.
Naging dahilan upang payagan ng sala ni Judge Elmo Alameda, ng Branch 150, na magsagawa ng 30 araw na reinvestigation ang DOJ hinggil sa naturang kaso.
Naiakyat sa kasong murder ang kaso ni Leviste, dahil ayon sa isinagawang re-investigation ng DOJ, may naganap aniyang cruelty sa ginawang pagpatay ni Leviste kay Delas Alas.
Base sa ginawang pamamaril ng dating gobernador sa biktima pinapakita aniya dito na wala talagang balak buhayin ang biktima at pinagplanuhan ang pagpatay dito. Ang mga tama na tinamo nito sa ulo ang magpapatunay.
Kung saan ayon sa pamilya Delas Alas, na bago maganap ang pamamaril sa kanilang padre de pamilya nagkaroon na ng alitan sa pagitan ng dalawa.
Base pa rin aniya sa ebidensiya, hindi nakapagpaputok ng baril si Delas Alas at ni hindi man lamang ginalaw nito ang kanyang baril, kung saan matapos ang krimen at halatang ginalaw na ang mga ebidensiya sa pinangyarihan ng insidente para aniya magkaroon nang cover-up.
Magugunitang sa unang alibi ni Leviste ay self defense lamang ang kanyang ginawa kaya niya binaril si Delas Alas.
Dahil sa mga ebidensiyang isinumite ng DOJ laban kay Leviste, nagpalabas ng arrest warrant ang sala ni Judge Alameda laban sa dating Batangas governor sa kasong murder.
Walang piyansa na inirerekomenda dito.
Matatandaan na noong Enero 2007, pinagbabaril hanggang sa mapatay ni Leviste si Delas Alas mismo sa tanggapan nito sa LPL Tower, Legaspi St., Legaspi Village, Makati City.
Hindi na nakatikim ng kulong si Leviste matapos na sumuko kay Makati Mayor Jejomar Binay at diretso ito sa Makati Medical Center. Nakalabas ito sa pagamutan ilang araw ang nakalipas pero nakapagpiyansa na ito sa kasong homicide.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended