Bukod sa Professional Services Inc. na siyang may-ari ng ospital, kasama ring pinagbabayad ng korte si Dr. Miguel Ampil na siyang nagsagawa ng nabanggit na operasyon. Nabatid mula sa rekord ng korte, inoperahan ni Dr. Ampil si Natividad Agana noong Abril 11, 1984 dahil sa kanser sa bituka.
Matapos ito’y napansin ng mga katu long na nurses na nawawala ang dalawa sa mga gasa na ginamit sa operasyon.
Nadiskubre na lamang na naiwan pala ang mga nawawalang gasa sa loob ng katawan ng pasyente nang mapansin ng kanyang anak ang isang bahagi nito sa desisyon sa kaso.
Bunga nito’y nagsampa ng kaso ang pasyente sa Quezon City RTC subalit makalipas ang dalawang taon ay namatay si Agana habang hinihintay ang desisyon sa kaso.
Taong 1993 nang magpalabas ng desisyon ang QC-RTC kung saan napatunayan nitong guilty sa medical negligence at malpractice ang may-ari ng ospital na si Dr. Ampil at ang isa pang doktor na tumulong sa kanya na si Dr. Juan Fuentes.
Gayunman, sa desisyon ng Court of Appeals (CA) noong 1996 tanging ang ospital lamang at si Dr. Ampil ang dapat managot sa kaso at inabsuwelto na man nito si Dr. Fuentes dahil limitado lamang ang naging partisipasyon nito sa operasyon na kinatigan naman ng SC. (Grace Amargo dela Cruz)