^

Metro

Barangay kagawad patay sa ambush

-
Patay ang isang barangay kagawad matapos na tambangan at pagbabarilin ng dalawang lalaki sa harap mismo ng kanyang anak sa tapat ng kanilang bahay sa Malabon City, kamakalawa.

Namatay noon din ang biktima na kinilalang si Rolando Laborte, 53, may-asawa ng No. 4 Ligaya St., Brgy. Tugatog, Malabon bunga ng mga tama ng punglo sa mukha, tuhod at kaliwang binti.

Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya kung sino ang responsable sa nasabing pananambang sa biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-3:05 ng hapon habang kalalabas lamang ng biktima sa kanyang tahanan nang bigla na lamang lumutang ang mga suspect na armado ng baril.

Hindi na nagawa pang makatakbo ng biktima nang mabilis siyang paulanan ng bala ng mga suspect.

Sa salaysay ng saksing si Violeta Malbas, kasamahan ng nasawi na nakita pa nilang aali-aligid ang mga suspect sa lugar bago ang nasabing krimen.

Bagama’t wala silang alam na naging kaaway ng biktima, malaki ang paniwala ng mga ka-barangay nito na plinano ang paglikida dito.

Ang pamamaril ay nasaksihan umano ng anak ng biktima na si Rudolf Laborte, 19, na nakapagtago lamang nang pagbabarilin nang malapitan ng dalawang suspect ang kanyang ama. (Ellen Fernando)

BAGAMA

BIKTIMA

BRGY

ELLEN FERNANDO

KASALUKUYAN

LIGAYA ST.

MALABON CITY

ROLANDO LABORTE

RUDOLF LABORTE

VIOLETA MALBAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with