^

Metro

Warden, 2 jailguards sabit sa eskapo ng isang preso

-
Pinaiimbestigahan ngayon ang tatlong opisyales ng Manila City Jail kabilang na ang jail warden nito sa Office of the Ombudsman matapos na ilegal na magpalaya umano ng isang preso na nahatulan ng kasong robbery sa Manila Regional Trial Court.

Hiniling ni Judge Marivic Balisi-Umali ng Manila RTC branch 20 sa Ombudsman na magsagawa ng imbestigasyon kina Manila City Jail Warden Supt. Allan Iral, Senior Inspector Alvin Gavan at JO3 Adamor Navalta.

Ito ay upang madetermina kung maaaring sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang mga nabanggit matapos na ilegal na palayain umano si convicted Joni Ortinez noong Hunyo 23, 2006 nang hindi ipinapaalam sa korte.

Nabatid na nag-apply si Ortinez sa korte para sa probation matapos na mahatulan na makulong ng dalawang taon at apat na buwan. Hindi pa man nagpapalabas ng resolusyon ang korte sa naturang kahilingan ay pinalaya ng tatlo ang akusadong si Ortinez.

Nadagdagan pa ang posibleng pagkakasala ng tatlo nang hindi umano ipaalam agad sa korte ang ginawang pagpapalaya kay Ortinez at hindi paggawa ng aksyon para muling madakip ito matapos mabuko ang ginawang ilegal na pagpapalaya.

Ibinasura rin ng korte ang paliwanag ng tatlong jail officer na sinunod lamang nila ang "parole" para kay Ortinez.

Isinasailalim na ngayon sa preliminary investigation ang tatlong jail officer sa City Prosecutor of Manila upang masampahan ng kasong paglabag sa Article 223 at 224 ng Revised Penal Code.

Pinadalhan na rin ng naturang order ng korte ang Department of Interior and Local Government at Bureau of Jail Management and Penology para imbestigahan ang tatlong jail officers noon pang Setyembre 13, 2006 ngunit wala pa ring ginagawang aksyon hanggang sa kasalukuyan ang naturang tanggapan. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ADAMOR NAVALTA

ALLAN IRAL

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CITY PROSECUTOR OF MANILA

DANILO GARCIA

JAIL

JONI ORTINEZ

JUDGE MARIVIC BALISI-UMALI

ORTINEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with