Niresbakan: 1 patay, 1 grabe
February 5, 2007 | 12:00am
Nasawi ang isang driver habang malubhang nasugatan ang kanyang kaibigan matapos na abangan at pagsasaksakin ng isang di kilalang salarin habang ang mga ito ay naglalakad papauwi sa kanilang tahanan sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.
Patay na nang idating sa Tala Hospital ang biktimang si Romulo Aleman, 46, ng Villa Camarin Civic Organization, ng Brgy. 178, Camarin, Caloocan City bunga ng tinamong mga tama ng saksak sa ibat ibang parte ng katawan habang ang kaibigan nito na si Antonio Matubaran, 43, ng nasabi ring lugar ay inoobserbahan sa East Avenue Medical Center.
Sa isinagawang pagsisiyasat ni PO2 Jerry Ramos, may hawak ng kaso, dakong alas-8 ng gabi habang papasok na sa main gate ng Villa Camarin ang mga biktima nang biglang harangin ng suspect at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang mga ito.
Hindi na nagawa pang makatakbo ng magkaibigan matapos na mabilis at halinhinan silang undayan ng saksak ng hindi kilalang suspect. Posibleng matinding galit ang nagbunsod sa mga suspect upang isagawa ang krimen.
Inamin naman ng pulisya na nahihirapan silang tukuyin ang suspect dahil sa wala pang gustong tumayong testigo sa insidente. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended