^

Metro

Barangay Captain, 6 BSDO kinasuhan ng robbery

-
Isang barangay captain at anim sa mga Barangay Security Development Officer (BSDO) nito ang sinampahan ng kaso sa Quezon City Police District-Fairview Station at sa Quezon City Prosecutor’s Office matapos na ireklamo ng pagnanakaw at paninira ng kagamitan ng isang negosyante kamakailan sa Quezon City.

Ang mga sinampahan ni Felicidad Dela Cruz ng Robbery with Force Upon Things in Inhabited House tungkol sa pagkawala ng P50,000 at pagsira ng kanyang mga kagamitan ay sina Brgy. Capt. Manny Tolentino, mga BSDO na sina Ricardo Valladores, Narlito Davalos, Jeffrey Manulid, Chito Baguno, Roel Sagunod at John Casildo at ilan pang kalalakihan.

Nag-ugat ang pagsasampa niya ng kaso matapos na gibain ng grupo ni Tolentino ang kanilang mga ginawang nipa-kubo sa kanyang puwestong binabayaran sa huli na matatagpuan sa Villa Subdivision sa Regalado Ave. Quezon City.

Sinabi nito na Setyembre 2005 nang magsimula siyang magbayad ng halagang P5,000 upa kay Tolentino hanggang sa itaas niya ito sa halagang P6,000 noong Enero 2006. Kasama ni dela Cruz sa pagbabayad sa tanggapan ni Tolentino ang kanyang pamangkin na si Remedios Aquino. Subalit Mayo 2006 nang sabihan siya ni Tolentino na P20,000 na ang dapat niyang bayaran. Umangal siya sa pagsasabing hindi niya kayang bayaran ang napakalaking halaga bilang upa sa bakanteng lote. Gayunman, tinangka niyang ibayad ang P6,000 ngunit hindi tinanggap ni Tolentino at sa halip ay sinabihan siya nito na dapat siyang umalis sa loob ng limang araw.

Dahil dito, sinabi ni dela Cruz kay Tolentino na gusto niyang makausap ang may-ari ng lupa at dito na rin siya magbabayad. Subalit nagulat siya nang dumating noong Enero 9, 2007 dakong alas-10:30 ng umaga si Tolentino kasama ang may 20 BSDO at walang sabi-sabing giniba ang 14 na papag-kubo.

Muling bumalik si Tolentino noong Enero 26, 2007 at muling giniba ang bahay-kubo mismo ni dela Cruz at naghalughog na nagresulta sa pagkawala ng kanyang pera na nagkakahalaga ng P50,000. Wala din umanong court order ang ginawang paggiba sa mga bahay-kubo ng ginagawa ni dela Cruz. (Doris Franche)

BARANGAY SECURITY DEVELOPMENT OFFICER

CHITO BAGUNO

CRUZ

DORIS FRANCHE

ENERO

FELICIDAD DELA CRUZ

FORCE UPON THINGS

INHABITED HOUSE

QUEZON CITY

TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with