Tanod patay sa pinahuling tulak
February 4, 2007 | 12:00am
Nasawi ang isang 37-anyos na barangay tanod matapos itong pagbabarilin ng umanoy tulak sa droga na isinumbong ng una sa pulisya, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.
Nasawi habang ginagamot sa UST Hospital sanhi ng tinamong apat na tama ng bala sa katawan ang biktimang si Reynaldo Gregorio ng 100 Loreto St., Sampaloc, Maynila.
Isang Teriel Mondala, alyas Eng-eng, na umanoy ex-convict at tinatayang nasa gulang na 30-35 at armado ng kalibre .38 baril ang sinasabing bumaril sa biktima. Mabilis itong tumakas matapos ang isinagawang krimen.
Ayon sa ulat, dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa kanto ng Loreto Ext. at Legarda St. sa nabanggit na lugar.
Nabatid na bago naganap ang insidente, naka-duty pa umano ang biktima bilang barangay tanod malapit sa Legarda flyover ng may matanggap itong text message na nagsasabing pumunta siya sa 7-Eleven convenience store sa may J.P Laurel St. sa Nagtahan dahil may nagaganap umanong film shooting.
Inakala naman ng biktima na nangangailangan ng tanod sa lugar kaya nagpunta ito sakay ng kanyang motorsiklo. Nang malapit na siya sa lugar ay bigla itong hinarang ng suspect at saka pinagbabaril ng malapitan.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na kamakailan lamang ay inaresto ng mga pulis ang suspect sa kasong pagtutulak ng droga subalit nakapagpiyansa at pinagbantaan ang biktima na babalikan dahil sa ito ang umanoy nagpadampot sa kanya. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended